Archive for May, 2009

sino ka dito? (grabbed it :))

Paalala: Kung madali kang maasar, umalis ka na. At kung seryoso ka masyado, huwag naring basahin ito. Walang nasaktan na hayop o ano mang bagay habang binubuo ang entry na ‘to. Kathang isip lamang ang mga ito, kung guilty ka dito eh hindi ko sinasadya.
Ang hirap maghanap ng picture, huwag na lang.

Mayaman, Maganda/Gwapo, Mabait:
Napakaswerte ng mga taong ganito. Walang kahirap hirap sa buhay. Mayaman ka na nga, maganda pa ang panloob at panlabas na ugali mo. Kadalasan nakakakita ako ng mga ganito kapag nag-aattend ako ng youth service o kaya ng Sunday serive sa aming church. Kadalasan din ay may lahing instik ang mga ganitong uri ng mga tao, pinoy in particular.

Mayaman, Maganda/Gwapo, Di-mabait:

Ito yong mga tipo ng mga tao na pilit kong nilalayuan. Mayaman at maganda nga ang panlabas nilang kaanyuan pero ang loob eh mas mapangit pa kay dugong. Hindi ko sila madalas nakikita at hindi ko rin alam kung san sila madalas basta ang alam ko may karapatan nga naman talaga silang magyabang at manlait ng tao dahil sa kanilang physical na kaanyuan plus kayamanan. Wala ring kahirap hirap dahil ugali lang naman ang nagpapapangit sa kanila.

Mayaman, Pangit, Mabait:
Marami rin naman ang mga ganito. Mayaman pero hindi mo aakalaing mayaman sila at ang mahirap pa dyan ay hindi mo rin aakalain na mabait sila dahil sa kanilan physical na kaanyuan. Madalas silang napagkakamalang poor dahil nga sa anyo pero ang hindi alam ng karamihan ay may kayamanan na tinatago ang mga ito na dala pa ni yamashita. Masaya rin naman kasing kasama ang mga ito. Kung tatanuning mo kung bakit? Eh mabait sila mayaman pa, Madali lang utuin dba? Kaya lang papayag ka ban a may kasama kang pangit? Haha

Mayaman, Pangit, Di-mabait:
Naaasar ako sa mga ganitong klase ng tao. Sila yong makikita mong nambubully dahil pinagmamalaki nila ang kanila kayamanan. Hindi ko lang malaman kung bakit ang mga ganitong tipo pa ng tao ang mas madalas na makapanlait na hindi muna tinitignan ang sarili. Sa babae naman ay madalas na mataba ang mga ganitong uri ng tao, Hindi ko rin alam ang dahilan. Naobserbahan ko lang. Di mo rin sila mapagkakamalang mayaman dahil nga sa pangit na sila pangit pa ang ugali. Pero pwede naman nila gamitin yong pera pampaayos sa mukha, Kaya lang pangit parin ang ugali. Pangit kasama.

Mahirap, Maganda/Gwapo, Mabait:
Ang mga ganitong uri ng tao ay maganda ang magiging buhay. Pwede silang Makita ng mga talent scouts at isali sa mga patimpalak sa telebisyon. Kadalasan kasing nakukuha ang mga ganitong uri ng tao. Swerte sila dahil ang itsura at ugali nila ang makakapag angat ng kanilang buhay. Pwede ka ng maging Mayaman na maganda/gwapo at mabait pa. Pero sana hindi sumama ang ugali kapag nagging mayaman.

Mahirap, Maganda/Gwapo, Di-mabait:

Walang patutunguhan ang mga ganitong uri ng tao. Sila yong itsura lang talaga ang baon. Mahirap din magtiwala sa mga ganito dahil nga sa ugali nila. Pero swerte parin dahil kahit papano eh nabiyayaan ng magandang itsura. Pasalamat ka!

Mahirap, Pangit, Mabait:

Nakakatakot minsan ang mga ganitong uri ng tao. Sila yong aakalain mong mangssnatch ng celfone mo o kaya naman ay bigla kang tututukan ng baril at kung ano ano pa pero ang hindi mo alam eh mabait pala sila. Minsan ay pagsasabihan ka pa na huwag magtxt baka manakaw daw. Kadalasan rin ang mga ganito ay hindi ko na alam. Wala ako masyadong kilalang ganito. Sila ang madalas na makikita mo na kahit na naghihirap na eh may malasakit parin sa kapwa at tumutulong parin sa kapwa.

Mahirap, Pangit, Di-mabait:

Napakasaklap ng situasyong ganito. Marami akong napapansin na ganito. Nakakatakot sila at kailangang layuan. Dahil hindi mo alam ang kanilang mga balak sa buhay. Hay.
Nakakaawa dahil wala lang.

Reference: http://booberry.multiply.com/journal

To love another you first have to love yourself

You can hide the pain that you feel
and make others believe you can move on
but deny can never deny the truth to yourself
that the person who has failed and hurt you
is still the person you’ll always choose to love.

It’s hard to pretend you love someone when you don’t.
But it’s harder to pretend you don’t love someone when you really do.

The cruelest thing a guy can do to a girl is to let her fall when he doesn’t have an intention of catching her.

To love another you first have to love yourself

Oftentimes we say goodbye
to the one we love without wanting to
but that doesn’t mean we stop loving them.

Sometimes goodbye is just a painful way of saying I love you.