Horoscope..
oh happy day
Horoscope (galing sa LIBRE)
Capricorn:
-
Iiyak ka rin lang, itodo mo na
-
Ang dami mo nang pera, kabado ka pa rin
-
Huwag pumayag sa privatization
Aquarius:
-
Ba’t kailangan mo pang patunayan na labs mo?
-
Ok lang magutom nang pumayat ka naman
-
Naghahanap ka ng kumportableng upuan
Pisces:
-
Gagawin ka lang tagahugas ng pinggan
-
May sikretong bank account mister mo
-
Ayusin ang mesa bago mag bagong taon
Aries:
-
Kinikilig ka kahit saang parte ng katawan
-
Prefer mo magbayad sa cash kesa sa card
-
Dapat may hobby para di masira ulo mo
Taurus:
-
Pati ba naman pet nya pinagseselosan mo
-
Kalahati pa lang ang nabibilhan mo ng gift
-
Maging maingat pero huwag naman praning
Gemini:
-
Gutom lang siya kaya mainit ang ulo, pakainin mo
-
Sa Divisoria mawawala ang cellphone mo
-
Masuwerte ang nakapulang sapatos
Cancer:
-
Ang problema, inlab ka masyado, magtimpi
-
Kung saan maraming tao, doon ang mura
-
Ano man ang dapat gawin dapat may pasensya
Leo:
-
Miserable ka kapag walang iniibig
-
Basta tanggap ka lang ng tanggap
-
Mag-set ka muna ng objectives mo
Virgo:
-
Nililigawan mo pa lang trato mo asawa mo na
-
May discrimination ka sa mga inaanak mo
-
Ngayon ka humataw sa videoke
Libra:
-
Naniniwala ka sa "happily ever after"
-
Pass ka muna sa inuman mamaya
-
Mag-file na kayong lahat ng leave
Scorpio:
-
Pa-cool ka pero hindi ka pa rin nakakahalik
-
Mas mahalaga ang kapwa tao kesa sa pera
-
Huwag mag-alala, makakarating ka rin
Sagittarius:
-
Maiiyak sa tuwa dahil makikita mo na
-
Huwag ipahabol sa aso mga nangangaroling
-
Huwag nang kumain ng dessert please